Lunes, Agosto 24, 2015

Pangwalong Destinasyon: Luneta Park

             Ang Luneta Park matatagpuan sa Puso ng Lungsod ng Maynila. Dating tinatawag na Bagumbayan  bagong bayan noong kapanahunan ng kolonyalismo sa ilalim ng mga Kastila, at tinawag na Luneta pagdaka. Sa pook na ito binaril si Jose Rizal noong Disyembre 30, 1896.


               Pagdating palang namin sa Luneta Park ay napansin ko nang  maraming estudyante, mga magkakaibigan, at pamilya ang namamasyal dito. Maganda rin sa lugar na ito at malinis.Maraming nagtitinda at kumukuha ng litrato sa rebulto ni Rizal na napapalibutan ng mga watawat.Ngunit di na siya ganun kaganda dahil sa gusali na nakatayo sa likuran nito. 

Ibang larawan ko pa sa Luneta Park.




Ang aming suliranin na naranasan ay ang paghahanap sa mga lugar na ito at ang mahabang paglalakad.
ngunit natatagpuan din naman namin ang lugar na aming hinahanap sa pamamagitan ng pagtatanong.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento