Lunes, Agosto 24, 2015

Pangatlong Destinasyon:Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo tomas

Si Rizal ay mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros mula 1877-1882.

   Unibersidad ng Santo Tomas

         Ang Unibersidad ng Santo Tomas na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas De Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Innocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.

            Ang buong pangalan ng pamantasan ay Ang Pontipikal at Maharlikang Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas. Ipinagkaloob ni Carlos III Ng Espanya sa pamantasan ang titulong Maharlikang Pamantasan dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Ingglatera sa Maynila. Iginawad ni Leon XIII sa pamantasan ang titulong Pontipikal na Pamantasan sa taong 1902 at ipinagkaloob naman ni Pio XII dito ang titulong Ang Pamantasang katoliko ng Pilipinas sa taong 1974.


           Ang Unibersidad of Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko sa buong mundo sa bilang ng mga m ag-aaral sa isang kampus.


       Si Rizal ay mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros mula 1877-1882.Si Jose Rizal ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo kasabay niyang kinuha ang agham ng pagsasaka, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (SantoTomas) pagkatapos mabatid na ang kanyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882 nang dahil sa hindi na niya matanggap ang mapansuring pakikitungo ng mga paring kastila sa mga katutubong magaaral, nagtungo sya sa Espanya. Doo’y pumasok siya sa Unibersidad Central de Madrid , kung saan, sa Ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang napakahusay. Nang sumunod na taon, Nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya.Naglakbay siya sa Pransya at ngpakadalubhasa sa paggamot sa sakit sa mata sa isang klinika roon.Pagkatapos ay tumungo siya Heidelberg,Alemanya, kung saan natamo pa ang isa pang titulo.



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento