Martes, Agosto 25, 2015

Unang Destinasyon: Fort Santiago


Pinaghandaan ko ang lakbay aral na ito sa pamamagitan ng paghahanap ng aking makakasama sa pagpunta dito at pagbabasa ng mga lugar na may kinalaman kay rizal na aming pupuntahan .

Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago)

              Ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa Kastilang si Miguel Lopez De Legazpi. Bago dumatng ang mgaKastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman.Dito na kulong ang  pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa FORT SANTIAGO.

Bagumbayan .Ito ay isang lugar sa maynila na matatagpuan sa pilipinas at kilalabilang “napapaderang lungsod”,ang bansag sa Fort Santiago at ng kabuuan ng Intramuros.Ito ay pinagawa ni Miguel Lopez Legazpi,at dito sila namuhay kasama ng iba pang hispano.NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang muog at pinagawa mula.Sa kasalukuyan,isa itong popular na puntahan ng mga dayuhan.At ang lugar na nagkaroon ng mahalagang tungkulin bilang military base.Dito matatagpuanang “Jose Rizal Shrine” bilang replica ng kulungan ni Dr.Jose Rizal nang itapon sa bartolina.

               Ang entrance fee ay nagkakahalagang P50.00 kung ikaw ay estudyante at bata at P75.00 para sa mgaturista. (Wag kalilimutang mgdala ng 2 valid I.D.) Pagpasokng Fort Santiago ay una mong makikita ang isang parke kung saan naroon ang mga kalesa. Kung gusto mong sumakay sakalesa, P20.00 kung ikaw ay bata o estudyante, P50.00 sa mga turista at P300 kung mamasyal ka sa buong Intramuros gamit ang kalesa.



            Pagkatapos ay madadaanan mo na ang pagpasok o ang bukanang Fort Santiago kung saan makikita ang isang maliit nasapa na puno ng water lilies at makikita ang isang malaking arko na gawa pa mahigit limang silo na ang nakalipas. Ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay ang dating kaharian ni Raha Sulayman at doon din nakulong si Dr. Jose Rizal. Pagkatapos madaanan ng arko ay makikita mo ang ilang bakas ng paa sa hinulmang manipis na bakal nanagsilbing alaala nghuling paglakad ni Dr. Jose Rizal kung saan siya hinatulan sa Bagumbayan.

Mga larawan:




Pasukan ng Fort Santiago:



Iba pang Larawan sa Fort Santiago:

















1 komento: