Martes, Agosto 25, 2015

Unang Destinasyon: Fort Santiago


Pinaghandaan ko ang lakbay aral na ito sa pamamagitan ng paghahanap ng aking makakasama sa pagpunta dito at pagbabasa ng mga lugar na may kinalaman kay rizal na aming pupuntahan .

Ang Fort Santiago (Fueza de Santiago)

              Ay isang malaking kuta at tanggulan na ginawa para sa Kastilang si Miguel Lopez De Legazpi. Bago dumatng ang mgaKastila, ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay dating kaharian ni Raha Soliman.Dito na kulong ang  pambansang bayani na si Jose Rizal bago siya barilin sa FORT SANTIAGO.

Bagumbayan .Ito ay isang lugar sa maynila na matatagpuan sa pilipinas at kilalabilang “napapaderang lungsod”,ang bansag sa Fort Santiago at ng kabuuan ng Intramuros.Ito ay pinagawa ni Miguel Lopez Legazpi,at dito sila namuhay kasama ng iba pang hispano.NoongIkalawang Digmaang Pandaigdig, nawasak ang muog at pinagawa mula.Sa kasalukuyan,isa itong popular na puntahan ng mga dayuhan.At ang lugar na nagkaroon ng mahalagang tungkulin bilang military base.Dito matatagpuanang “Jose Rizal Shrine” bilang replica ng kulungan ni Dr.Jose Rizal nang itapon sa bartolina.

               Ang entrance fee ay nagkakahalagang P50.00 kung ikaw ay estudyante at bata at P75.00 para sa mgaturista. (Wag kalilimutang mgdala ng 2 valid I.D.) Pagpasokng Fort Santiago ay una mong makikita ang isang parke kung saan naroon ang mga kalesa. Kung gusto mong sumakay sakalesa, P20.00 kung ikaw ay bata o estudyante, P50.00 sa mga turista at P300 kung mamasyal ka sa buong Intramuros gamit ang kalesa.



            Pagkatapos ay madadaanan mo na ang pagpasok o ang bukanang Fort Santiago kung saan makikita ang isang maliit nasapa na puno ng water lilies at makikita ang isang malaking arko na gawa pa mahigit limang silo na ang nakalipas. Ang kinalalagakan ng Fort Santiago ay ang dating kaharian ni Raha Sulayman at doon din nakulong si Dr. Jose Rizal. Pagkatapos madaanan ng arko ay makikita mo ang ilang bakas ng paa sa hinulmang manipis na bakal nanagsilbing alaala nghuling paglakad ni Dr. Jose Rizal kung saan siya hinatulan sa Bagumbayan.

Mga larawan:




Pasukan ng Fort Santiago:



Iba pang Larawan sa Fort Santiago:

















Lunes, Agosto 24, 2015

Pangalawang Destinasyon: Dating kinatatayuan ng Ateneo Municipal De Manila

               Isang pribadong pamantasang pinatatakbo ng mga Heswita sa Pilipinas ang Pamantasang Ateneo de Manila . Matatagpuan sa Lungsod ng Quezon sa Metro Manila ang pangunahing paaralan nito. Naghahandog ito ng iba't ibang mga programa para sa elementarya, sekondarya, at kolehiyong antas gaya ng sining, humanidades, pangangasiwa, batas, agham panlipunan, teolohiya, purong agham at teknolohiya.
                                              .
                     
           Si Rizal ay nagpunta ng Maynila noong June 20, 1872 upang kumuha ng kumuha ng pagsusulit sa mga aralin ng Aral Kristiyano, Aritmetika, at Pagbasa sa Colegio ng San Juan de Letran. Nagbalik si Rizal sa Calamba mula sa Maynila para dumalo ng kapistahan sa kaniyang pagbabalik sa Maynila ay nagbago ng isip si Rizal at nagbalak na pumasok sa Ateneo.


          Hindi siya agad tinanggap sa Ateneo Municipal de Manila dahil maliit siya, mukhang sakitin at matagal nang nagsimula ang pag-aaral sa taong iyon. Mabuti na lamang at natulungan sila ni Padre Manuel Xerex Burgos, pamangkin ni Padre Jose Burgos, upang makapag-aral sa nasabing paaralan. Si Padre Jose Bech S.J. ang naging guro ni Rizal sa kanyang unang taon sa Ateneo. Nagawa niyang makapanguna kaagad sa klase sa kanyang mga kamag-aral. Nanalo pa siya ng isang gantimpala sa kanyang pag-aaral.

Mga larawan



Pangatlong Destinasyon:Dating kinatatayuan ng Unibersidad ng Santo tomas

Si Rizal ay mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros mula 1877-1882.

   Unibersidad ng Santo Tomas

         Ang Unibersidad ng Santo Tomas na mas kilala sa pangalang University of Santo Tomas at minsan ring Pamantasan ng Santo Tomas, ay isang pamantasan sa Maynila na itinaguyod noong taong 1611 ng Dominikano na si Miguel de Benavides, Arsobispo ng Maynila kasama sila Domingo de Nieva at si Bernardo de Santa Catalina. Unang tinawag ito sa pangalang Colegio Nuestra Señora del Santísimo Rosario hanggang sa pinangalanan ulit ito bilang Colegio de Santo Tomás bilang pag-gunita sa Dominikano na si Santo Tomas De Aquino. Noong taong 1645, itinaas ni Innocencio X ang kolehiyo sa antas ng isang pamantasan.

            Ang buong pangalan ng pamantasan ay Ang Pontipikal at Maharlikang Unibersidad ng Santo Tomas, ang Pamantasang Katoliko ng Pilipinas. Ipinagkaloob ni Carlos III Ng Espanya sa pamantasan ang titulong Maharlikang Pamantasan dahil sa ipinamalas na katapangan at katapatan ng pangasiwaan at mga estudyante laban sa paglusob ng mga kawal ng Ingglatera sa Maynila. Iginawad ni Leon XIII sa pamantasan ang titulong Pontipikal na Pamantasan sa taong 1902 at ipinagkaloob naman ni Pio XII dito ang titulong Ang Pamantasang katoliko ng Pilipinas sa taong 1974.


           Ang Unibersidad of Santo Tomas ay ang pinakamalaking pamantasang Katoliko sa buong mundo sa bilang ng mga m ag-aaral sa isang kampus.


       Si Rizal ay mag-aaral ng Unibersidad ng Santo Tomas sa Intramuros mula 1877-1882.Si Jose Rizal ay kumuha ng Pilosopiya at Panitikan sa pamantasan ng Santo Tomas. Sa Ateneo kasabay niyang kinuha ang agham ng pagsasaka, kinuha niya ang kursong panggagamot sa nasabing Pamantasan (SantoTomas) pagkatapos mabatid na ang kanyang ina ay tinubuan ng katarata. Noong Mayo 5, 1882 nang dahil sa hindi na niya matanggap ang mapansuring pakikitungo ng mga paring kastila sa mga katutubong magaaral, nagtungo sya sa Espanya. Doo’y pumasok siya sa Unibersidad Central de Madrid , kung saan, sa Ikalawang taon ay natapos niya ang karerang Medisina, bilang napakahusay. Nang sumunod na taon, Nakamit niya ang titulo sa Pilosopiya.Naglakbay siya sa Pransya at ngpakadalubhasa sa paggamot sa sakit sa mata sa isang klinika roon.Pagkatapos ay tumungo siya Heidelberg,Alemanya, kung saan natamo pa ang isa pang titulo.



Pangapat na DEstinasyon: Cuartel De Espanya

Dito ang lugar kung saan inilitis si Dr. Jose Rizal.
Sa likuran na ito siya Inilitis.




Pambansang Museo

            Ang Pambansang Museo ng Pilipinas ay ang opisyal na repositoryong itinatag noong 1901 bilang museong pangkasaysayang natural at pang-etnograpiya ng Pilipinas. Ang gusali ay matatagpuan sa tabi ng Liwasang Rizal malapit sa Intramuros, Manila. Dinisenyo ang gusali ng isang arkitektong Amerikanong si Daniel Burnham noong 1918. Sa ngayon, ang gusaling iyon na dati ring nagbahay sa Kongreso ng Pilipinasay ang kinalalagyan ng mga dibisyon ng mga sining, mga likas na agham, at iba pang mga dibisyon. Kabilang sa mga pag-aaring yaman nito ang bantog na Spoliarium ng makabayang si Juan Luna.


              Sa Pambansang Museo makikita ang Gallery V kung saan nakalagay ang mga Painting, Art, Sculpture at iba pa na gawa ng ating Pambang Bayani na si Jose Rizal. Masaya akong nakapunta ako rito dahil maraming kamangha manghang gawa ng iba't ibang Pintor at iba pa.



             
                Sa paghahanapsapansang Museo kami ay naligaw,Lumagpas na pala kami dito kaya kami pa ay bumalik at pagdating namin dun kami ay nagpalit ng damit, Sobrang Pagod na din kami nito.

               Pero Di nasayang ang pagod namin ng kami ay makarating dito.Pumunta kami sa Galerry V, Kung saan nakita namin ang mga Painting,Sculpture na likha ni Juan Luna, Jose Rizal at iba pang pilipino.Masasabi kongtunay na malikhain at talentado talaga ang mga pinoy.Dito sa Gallery V, iniingatan nila  ang mga gawang pinoy.
 

Iba pang larawan sa Gallery V:




Mi Ultimo Adios ang huling isinulat ni Rizal Bago siya mamatay.



Panganim na Destinasyon: Binondo

Sa bahay na ito unang inilagay ang katawan ni Dr. Jose Rizal, matapos itong hukayin mula sa sementeryo ng Paco, patungong Luneta. Sinasabing dito rin unang itinago ang orihinal na sipi ng Noli Me tangere.



Noong pumunta kami rito wala na ang tirahan kung saan nakatayo ang bahay ni Higino Francisco. Kaya ito lang ang aming nakuhaan.Isang poste at mga nagtitinda sa paligid nito.


Iba pang larawan sa Binondo:



Paco Cemetery

        Ang Paco cemetery ang unang pinaglibigan ni Jose Rizal pagkatapos nya bitayin sa Bagumbayan noong Ika-30 ng Disyembre 1896.


           Marami akong natutunan sa pagpunta sa Paco Cemetery, doon ako naliwanagan na doon ang unang puntod ni Rizal.

           Dito unang inilibing ang ating Pambansang bayani matapos siyang barilin sa Bagumbayan noong Disyembre 30, 1898 sa kadahilanang itinago sya ng mga kastila sa kanyang mga pamilya at hindi rin sya binigyan ng pormal na seremonya ng sya ay mamatay. At dahil sa dami ng tao na pumupunta araw-araw sa puntod ng yumaong bayani naging maliit ng husto ang Paco Cemetery para mabigyan ang mga tao na Makita ang puntod nito kaya’t noong taong 1966 sa pamumuno ng dating Pang. Ferdinand Marcos, tinawag na itong Paco Park kung saan ito ay nagsilbi na lamang na pasyalan ng pamilya, mag-kakaibigan ang mga magkasintahan.


          Ang mga tao na Makita ang puntod nito kaya’t noong taong 1966 sa pamumuno ng dating Pang. Ferdinand Marcos, tinawag na itong Paco Park kung saan ito ay nagsilbi na lamang na pasyalan ng pamilya, mag-kakaibigan ang mga magkasintahan.

Iba pang larawan sa Paco Cemetery:
 


         Malaki ang kontribusyon ng mga historikal na lugar na ito para mas mapagyaman ang mga nananatiling yaman ng bansa na naging parte ng ating kasaysayan at pamumuhay.




               
Mahalaga ang lugar na ating mga pinuntahan sapagkat si Jose Rizal ang ating pambansang bayani,malaki ang kanyang naiambag upang makamit natin ang ating kalayaan .Si Dr. Jose Rizal ay puso at dangal na nagnanais na makamit ang kalayaan ng ating bansa at ipinagtanggol sa mga bansang gusting manakop at pahirapan ang mga Pilipino. Sa pamamagitan ng kaniyang pagsulat, naipaglaban niya angating bansa at binuksan niya ang kaisipan ng mga kababayan niya na mali ang pamamalakad ng mga kastila at paninirang puri sa mga Pilipino at pati na rin sa ating bansa. Dahil sa pagtatanggol niya sa ating bansa, pati buhay niya ay binuwis niya alang alang lamang sa kaligtasan at makawala sa kalupitan ng mga baniyaga na sumakop sa bansa.

Gayunpaman, dapat lang na ipagmalaki siya dahil sa kaniyang ginawa para sa ating bansa at isa puso bilang tanda ng kaniyang kabayanihan sa ating bansa.